MA at PA
ni Rommel Placente
BONGGA si AZ Martinez dahil siya ang bagong ambassador ng SCD (Skin Care Depot) na si Gracee Angeles ang CEO ng EEVOR Skin Care Depot.
Ayon kay Miss Gracee, isa sa mga dahilan kaya kinuha niya ang dalaga na karagdagang endorser ng kanilang mga produkto, dahil sa kasikatan nito ngayon, mula nang maging celebrity housemate ang dalaga sa PBB: Celebrity Collab Edition.
Magkakaroon sila ng billboard para kay AZ, para mas lalong makilala ang SCD.
Sa mediacon kay AZ para sa paglulunsad sa kanya bilang bagong mukha ng SCD, tinanong siya kung ano ang realizations niya noong nasa loob pa siya ng bahay ni Kuya. Ang sagot niya, “Ako ang realizations, I would say, there’s so much more sa self ko, na sana nakita ko before. Pero I’m happy na ganito ‘yung way na I discovered myself because of ‘PBB. ‘ I’ve learned to hold many experience. It’s a experience na hindi mo makukuha basta-basta,”
Pagpapatuloy pa niya, “It’s once in a lifetime, and sobrang grateful ako sa mga tao. Mga housemate na nandoon I experienced it as a whole. Because of them, I learned to love myself, I learned to understand myself, to get to know myself more and to see kung ano talaga ‘yung kaya ko kasi without them, without the experience I feel like hindi ko pa rin makikita kung ano ‘yung kaya ko sa buhay.”
Sa kasikatang tinatamasa naman niya ngayon pagkatapos ng PBB, ang sabi niya, “Ako, honestly, sobrang overwhelmed pa rin ako with the popularity, the attention that I’m getting.
“Sobrang na-amaze pa rin ako that there are fans, that there are people supporting, ‘yung efforts na nagagawa nila,” aniya pa.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com