Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vice Ganda Jetski Holiday

Nanay Rosario ni Vice Ganda isinali sa bashing; Pokwang may pakiusap

MA at PA
ni Rommel Placente

IDINAMAY ng mga taga-suporta ng dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nanay ni Vice Ganda na si Rosario Viceral sa galit nila sa komedyante.

May mga nag-aakusa kay Nanay Rosario na hindi raw niya napalaki nang maayos ang anak at hinahayaan lang daw nitong bastusin at gawing katatawanan ang dating presidente na nakakulong ngayon sa The Hague, Netherlands.

Hndi raw makatarungan ang ginawang pang-ookray ni Vice Ganda kay Duterte sa Super Divas concert nila ni Asia’s Songbird Regine Velasquez sa Araneta Coliseum last August 8 at 9.

Ang nangyari, sa isang production number, kumakanta si Regine ng chorus ng Hold My Hand ni Jess Glynne, ang sikat na background music ngayon na ginagamit sa TikTok para sa viral Jet 2 Holiday.

Kasunod nito, biglang umapir sa stage si Vice Ganda at ginawa itong “Jetski Holiday.” 

Nothing beats a jet ski holiday, right now from Manila to the West Philippine Sea via jet ski. Get unlimited water bombing from Chinese vessels and a free trip to The Hague by the ICC. 

“Promo applies to DDS only. Pinklawans and BBMs are prohibited. Huwag ninyo akong subukan, mga put*** ina n’yo!” ang hirit ni Vice Ganda na inalmahan nga ng mga DDS.

To the rescue naman ang kaibigan ni Vice Ganda na si Pokwang. Nanawagan at nakiusap ito sa mga DDS na itigil na ang pamba-bash kay Nanay Rosario dahil wala naman daw itong kinalalaman  sa isyu.

Sa pamamagitan ng kanyang X account, sabi ni Pokwang, “‘Wag naman po tayong ganyan! Kung may na offend man sa joke ni Vice e wag naman po idamay ang nanay kasi hindi naman artista or politiko ang kanyang ina.”

Patuloy pa niya, “Kaming mga artista at politiko ay tanggap namin na naba-bash kami kahit minsan masakit, ‘wag naman si nanay Rosario please.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …