Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joey Marquez Alma Moreno

Joey at Alma napanatili ang pagkakaibigan

MA at PA
ni Rommel Placente

SA panayam pa rin ng Fast Talk with Boy Abunda kamakailan kay Joey Marquez ay nabanggit niya na maayos na maayos ang relasyon nila ngayon ng dating karelasyon na si Alma Moreno.

Kahit naghiwalay na, napanatili pa rin ng dating celebrity couple ang kanilang pagkakaibigan.

Sa katunayan, maituturing na rin nilang BFF ang isa’t isa dahil sa tagal na ng kanilang pinagsamahan lalo na bilang mga magulang sa kanilang mga anak.

Sabi ni Joey, “Kasi siguro, na-realize namin pareho, na kailangan i-consider namin ang mga anak namin. 

“Whatever na mag-away kami, maaapektuhan ‘yung mga bata. So what we did, sabi ko, ‘Hindi man tayo tumagal ng husband and wife, but we can be friends or best friend. 

“By doing that, para naman ma-compensate naman ‘yung lungkot ng mga anak natin na naghiwalay tayo,’” paliwanag pa ng mahusay na komedyante.

Sa ngayon ay may non-showbiz partner si Joey, si Malu Quintana, na na-meet na namin at gaya ni Alma ay maganda rin siya, huh!

Ayon kay Joey, ipinapaalam niya kay Malu kapag makikipag-usap siya kay Alma bilang respeto sa kanilang relasyon.

Siyempre with due respect din. Respeto sa lahat. Kasi, siyempre, ‘yung ka-partner mo, huwag mo siyang iba-blind side, kailangan alam din niya, because that’s what partners are for,” paliwanag pa ni Joey.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …