Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Regine Velasquez Vice Ganda Super Divas

DDS, BBM, Duterte, Pinklawan, Cristy Fermin gamit na gamit sa concert ni Vice Ganda

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

SA matagumpay na two-night concert nina Regine Velasquez at Vice Ganda, marami ang nagbigay ng unsolicited advice sa huli na sana nga raw ay naging responsable ito sa posibleng consequence ng kanyang pagmamatapang sa mga joke niya.

‘Matalas at matapang’ ang mga paglalarawang sinabi ng mga nakapanood sa naging antics ni Vice.

“Peryang-perya. Masaya, makulit, makulay, mahusay, mapangahas, at matapang. Sana lang kayanin niya ang consequences ng mga aksiyon at salita niya,” sey pa ng mga kausap namin.

Siyempre may mga tao at grupo rin daw na magre-react lalo na ‘yung mga naging subject ng panlalait niya kaya’t dapat din daw na handa si Vice at huwag ipagpalagay na porke’t natatawa at natutuwa ang audience ay siya lang ang may tamang opinyon.

Gamit na gamit nga raw ni Vice ang mga usapin sa DDS, BBM, Duterte, Pinklawan, Cristy Fermin and company, at mga content creator na umano’y pinagkakakitaan siya, kasama na ang mga “birada” sa iba pang isyu ng bayan.

Sey pa ng mga nakapanood, “sa panahon ngayon na uso ang magbigay ng pahayag at saloobin sa mga isyu, hindi naman naiba si Vice. ‘Yun nga lang, sana ay ready din siya sa backlash, sa responde o anumang posibleng gawin din sa kanya ng mga tao at grupong ang feeling nila’y nayurakan, na-disrespect at pinagkakitaan din niya somehow.”

May humirit pa ngang kung panahon pa ngayon ng diktadurya ay malamang daw na literal na ipinakain kay Vice ang mikropono.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …