ISA ang philantrophist at celebrity businesswoman na si Cecille Bravo sa cast ng advocacy film na Ang Aking Mga Anak mula sa DreamGo Productions. Gumaganap siya rito bilang si aling Asaph.
Hindi ito ang unang pelikula na ginawa ni tita Cecille.
“Actually, hindi first, pero kung tutuusin, parang ito ‘yung first, kasi nandoon ‘yung challenge at saka medyo mahaba-haba ‘yung dialogue ko,” sabi ni tita Cecille nang makausap namin bago magsimula ang advance screening ng Ang Aking Mga Anak.
Pagpapatuloy niya, “Kanina, medyo kabado ako, naiiyak ako, kasi hindi ko rin alam kung paano akong tatanggapin ng mga manonood (bilang isang baguhang artista). Na baka sabihin sa akin, bakit naman ipinasok mo pa ‘yan?”
In fairness naman kay tita Cecille, noong napanood namin ang Ang Aking Mga Anak, ay pasado siya bilang isang baguhan, nakaarte naman siya ng tama. At natural ang akting na ipinakita niya sa pelikula. Hindi mo nga iisipin na baguhan pa lang siya sa larangan ng pag-arte.
Sabi nga ni tita Cecille, ibinigay naman niya ang best niya.
“I really try my best. Lagi naman po. In everything I do ‘yun naman ang ginagawa ko,” aniya pa.
Pero kahit gumagawa na ng pelikula at nag-i-enjoy naman si tita Cecille, hindi pa rin niya masasabi na tuloy-tuloy na ang kanyang pag-aartista.
Katwiran niya, “There are things na dapat tanggapin ko, not for me.”
Ang Ang Aking Mga Anak ay mula sa direksiyon ni Direk Jun Miguel. Ang mga batang bida sa pelikula ay sina Jace Fierre as Gabriel, Juharra Zhianne Asayo bilang Julia, Alejandra Cortez as Pauline, Madisen Go as Heaven and Candice Ayesha as Sarah.
Kasama rin sa pelikula sina Hiro Magalona, Klinton Start, Natasha Ledesma, Prince Villanueva, Patani Dano, Ralph dela Paz, Art Halili, Andrea Go, at Sarah Javier.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com