Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
BIR money

Bilyong piso nawawala sa gobyerno — BIR
AHENSIYA vs ILEGAL NA KALAKALAN DAPAT ITATAG —  NOGRALES

NANINIWALA si Philippine Tobacco Institute (PTI) President Jericho Nograles na kailangang bumuo ang pamahalaan ng isang ahensiya o departamentong tututok sa illicit trade sa bansa upang masawata ang pagkalat nito partikular sa tobacco industry.

Ayon kay Nograles, sa sandaling magkaroon nito ay tiyak na may tututok sa paghuli, pagsasampa, at pagproseso ng mga kaso hanggang maipakulong nang tuluyan ang mga tao o sindikatong sangkot dito.

Aminado si Nograles na halos 30 porsiyento ang nawawala sa mga tobacco companies kada taon dahil sa sistema ng illicit trade.

Binigyang-linaw ni Nograles na suportado niya ang nagiging hakbangin ng pamahalaan ukol sa pagsugpo ng illicit trade ngunit kulang pa ang nakukulong at nahahatulan dito nang sa ganoon ay magkaroon ng takot ang sindikato na pumasok sa ganitong gawain.

Samantala, sinabi ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui, Jr., bilyong piso ang nawawala sa koleksiyon sa excise tax ng pamahalaan dahil sa illicit trade.

Aminado si Lumagui na dahil sa illicit trade ay nababawasan ang pondong nailalaan sana ng pamahalaan sa sektor ng edukasyon at kalusugan.

Ani Lumagui, hindi lang naman sa Filipinas may ganitong problema ngunit hindi ito kokonsintihin ng ating pamahalaan.

Tiniyak ni Lumagui na hindi nila tatantanan ang pagsasagawa ng raid sa maiuulat na mga produktong bahagi ng illicit trade lalo sa sektor ng Tobacco lalo na’t natuklasan pa nila na kahit bahay lamang ay ginagawang bodega para lamang sa mga maling gawain.

Kaugnay nito, pinayohan ni Rohan Pike, managing director ng Rohan Pike Consulting na kinakailangan magkaroon ng mas maganda at maayos na polisiya ang pamahalaang Filipinas upang labanan ang naturang mga ilegal  na gawain.

Aminado si Pike na malaking factor talaga ang talamak na korupsiyon upang tuluyang mabigo ng pamahalaan at masawata ang mga illicit trade.

Ani Pike, panahon na upang mamulat ang kaisipan ng bawat isa na huwag tangkilikin ang mga produkto na mula sa illicit trade.

Naniniwala si Pike na malaki ang epekto ng mga illicit trade sa mga negosyante ngunit may epekto rin ito sa imahen ng isang bansa.  (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …