PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
SA nalalapit na The Voice Kids Phils., hindi na makikitang uupo bilang coaches sina Stell at Pablo ng SB19.
Although unconfirmed, tila ang pagiging very busy ng dalawang member sa kanilang Simula at Wakas World Tour ang pangunahing rason kung bakit hindi na sila kasali as coach.
Papalitan sila nina Zack Tabudlo at Ben & Ben. Sina Julie Anne San Jose at Billy Crawford pa rin ang dalawa sa coaches, with papa Dingdong Dantes as host ng show.
Nakalulungkot man itong news sa mga supporter ng SB19 dahil napatunayan nga nina Stell at Pablo ang hatak at kontribusyon nila sa show, sure naman kaming may ibang show na pupuntahan ang dalawa if not all of them soon.
‘Yun nga lang, minus the two of them, ano kaya ang magiging kapalaran ng show, with all due respect din naman sa husay at kasikatan nina Zack at Ben & Ben.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com