Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jojo  Mendrez Artist Circle Rams David

Jojo Mendrez nasa Artist Circle na ni Rams David, demanda kay Mark ‘di na itinuloy

MA at PA
ni Rommel Placente

PUMIRMA ng kontrata si Jojo  Mendrez sa Artist Circle ni Rams David noong Martes ng hapon, July 29.

Matapos ang pirmahan, kinanta ni Jojo ang latest single niya, ang remake ng I Love You Boy, na pinasikat noon ni Timmy Cruz.

In fairness, ang ganda ng rendition ni Jojo, huh! Nakaka-inlove ang pagkakakanta niya.

Sa pagpirma ng kontrata ni Jojo sa Artist Cirlce, isa sa mga pagbabagong gagawin ni Rams kay Jojo ay ilalayo niya ito sa scandals at controversies. Na hindi na dapat mali-link pa sa mga male star, gaya ng pagkaka-link noon kina Mark Herras at Rainier Castillo.

Magpo-focus ang Star Circle sa singing career ni JoJo.

Ayon naman kay Jojo, nakatulong/nakinabang pareho sila ni Mark sa pagkaka-link sa isa’t isa.

Sabi ni Jojo, “Thankful ako kay Mark kasi wala naman nagplano sa lahat. Si Mark, gumanda ang career niya, lumaki ang kita niya in the past few months. Ako naman, napansin. Napag-usapan ako. Tapos sumabay doon ako sa release ng ‘Somewhere in my past’ so positive na rin on my side. 

“May mga bashing akong na-receive but still, mas nanaig ‘yung pagmamahal ng mga tao na naka-appreciate ng songs ko.”

Sa tanong kay Jojo kung ano na ang update sa kaso na isinampa niya laban kay Mark dahil sa usaping pera, ang sabi niya ay okey na sila ng aktor, at hindi niya na itinuloy ang demanda laban dito.

We’re okey now. Wala na lahat. Kasi parang.. alam ninyo ‘yun, mayroon kasing mga bagay na hindi napapagkasunduan. Anyway, ganoon lang naman ‘yung buhay. Ang mahalaga, we’re okey na.

“Nag-usap kami ng personal at naging maayos naman na ang lahat. Mas maganda na ‘yung ganoon, para wala na tayong iniiwasan,” sabi ni Jojo.

Sa tanong naman kung paano siya napunta sa Artist Circle, aniya, “Noong time na medyo nawindang ‘yung buhay ko, sa mga cryptic post na ginawa ko, nabasa ‘yun ng Star Music family. 

“So tumuwag sila kay Mama Ona, asking her what’s happening to Jojo. So, sinabi niya ‘yung real story. 

“Sinabi ng Star Music, ano ‘yung kailangan ni Jojo na isu-support namin all the way? So roon ko nakita ‘yung pagmamahal ng Star Music  sa akin.

“So ayun nga, biglang nag-call si Mama Ona na there’s a meeting with Roxy and Rams.

“So roon nagsimula ‘yung lahat. Napansin ko, napaka-warm nitong taong ito sa akin.

“Tapos ayun, ini-invite niya ako sa office niya. Pinresent niya ‘yung profile ng company niya. Nakita ko ‘yung artists na inaalagaan niya.

“Timing naman na nandoon si Timmy Cruz sa mga alaga niya. Ako kasi ‘yung nag-remake ng “

‘I Love You Boy’ ni Timmy Cruz.

“Kaya sabi ko nga, parang sinadya na pinagtagpo kami (ng kapalaran).

“Tapos, siya rin pala ‘yung producer ng vlog ni Dina Bonnevie na ‘House of D.’ Eh,ako ang magre-remake ng kanta ni Dina noon na ‘Bakit Ba Ganyan?’

“So, may purpose siguro ang Panginoon na pagtagpuin kami. Kaya sabi ko, ito ‘yung mga sign na para kami sa isa’t isa,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …