Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ashley Ortega Anna Magkawas

Ashley naadik sa alak, tumatakas makainom lang

MA at PA
ni Rommel Placente

INAMIN ni Ashley Ortega sa interview sa kanya ng negosyanteng si Anna Magkawas, na naadik siya for a while sa alak dahil sa mga pinagdaanang personal issues.

Sabi ni Ashley, “There was a time that I was an alcoholic.”

Naaalala pa raw niya ‘yung mga araw na talagang tumatakas siya sa kanilang bahay para bumili ng mga alak sa convenience store, at saka niya itatago sa cabinet sa loob ng kanyang kwarto.

May mga bottle ako na nakatago sa cabinet ko pero nahuli rin ako. Actually, nahuli ako ng mommy ko, roon talaga nagalit siya sa akin. 

‘Sisirain mo ‘yung buhay mo?’” talak daw ng kanyang ina sa kanya.

Isa sa mga dahilan kung bakit naging manginginom si Ashley ay dahi sa kanyang career.

Iniisip niya kung bakit puro supporting roles lang ang ibinibigay sa kanya kompara sa mga kasabayan niya na puro nagbibida na.

“I was aware of what I was doing pero pang-cope ko lang ‘yun, just to forget my reality. Kumbaga, I just wanted to have my own world. 

“That time, Mean ‘yung roles ko lang noon, support lang eh. I’m still grateful for my roles kasi lahat naman ng roles na ibinibigay sa akin, I would always give justice to it,” esplika niya.

Sinasabi ko lang sa sarili ko na sana magka-leading show na rin ako balang araw. Na-stress din ako seeing them be like that. ‘Yung mga tao sa paligid ko, they were trying to compare me to other people so, nawala rin yung confidence ko.”

Hindi naman daw nagtagal ang pagiging alcoholic ng dalaga, dahil itinigil na niya ito after two months. Pero enjoy pa rin naman siya sa pag-inom ng alak, but in moderation na.

Kasunod din nito, mas naging solid ang faith niya kay Lord.

Doon rin ako naging close kay God actually. Kaya nawala rin ako sa phase na ‘yun, it’s because I started praying, talking to God everyday at kay Barbie Forteza.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …