Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathryn Bernardo Cardong Trumpo

Kathryn binigyan ng malaking TV si Mang Cardo

MA at PA
ni Rommel Placente

NAKATUTUWA naman si Kathryn Bernardo. Binigyan niya kasi ng malaking TV set si Pilipinas Got Talent Season 7 Grand Champion Cardong Trumpo. 

Shookt nga si Mang Cardo dahil kahit nga raw bagyong-bagyo at bumabaha ay ipina-deliver pa rin ni Kathryn sa bahay nila sa Dasmarinas, Cavite ang regalong TV.

Buong akala kasi ni Mang Cardo ay last treat na sa kanya nI Kathryn ‘yung pa-grocery sa kanya nito, ilang araw matapos ang grand finals ng Pilipinas Got Talent Season 7 kaya nagulat siya nang matanggap ang TV na ipina-deliver ng award-winning actress sa kanilang bahay.

Siguro, sobrang natuwa lang si Kathryn at humanga sa pagiging talented ni Mang Cardo sa paglalaro ng trumpo sa iba’t ibang style, kaya pinag-groery at biniii niya ito ng malaking TV.

Pero sa kabilang banda, sadyang matulungin talaga si Kathryn. Marami siyang tinutulungan na hihdi niya  lang ipinagsasabi/ipinamamalita. 

Na hindi gaya ng ibang artista, na kapag tumutulong ay ipinagsasabi at ‘yung iba, ang gusto ay may kamera pang nakatutok sa kanila. Ayaw ko na lang mag-mention kung sino-sino ang mga artistang ‘yun.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …