Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yen Santos

Yen sa bf na manipulative at controlling: blessing na nagising sa nightmare  

MA at PA
ni Rommel Placente

TINANONG si Yen Santos sa kanyang kauna-unahang YouTube vlog tungkol sa   huling naging pakikipagrelasyon.

Napahinto si Yen at tila pinag-isipang mabuti ang isasagot sa tanong.

“Napakalaking blessing na natapos na ‘yon. Malaking blessing na nagising na ako sa nightmare na ‘yon and I walked away kasi hindi talaga worth it,” sagot ni Yen.

Hindi raw worth it na pag-aksayahan ng oras at energy ang naturang relasyon dahil sa pagiging manipulative at controlling ng kanyang partner.

“It wasn’t worth wasting my time, energy sa someone na kino-control ka, mina-manipulate ka. That kind of life drains you and you lose yourself in the process. Hindi mo gugustuhin talaga ‘yong ganoong klaseng buhay,” kuwento pa ni Yen.

Aniya pa, ang pagkamulat niya sa katotohan, ang lakas ng loob na talikuran ang naturang relasyon at pagpili sa sarili ay isa sa mga maituturing niyang mahalagang desisyon sa buhay.

“The person I met at the beginning, that wasn’t really him. The one I saw at the end, ‘yon talaga siya.

“Siyempre sa una, hindi naman ‘yan magpapakilala ng totoong pagkatao nila eh. Gagawin nila lahat para makuha ‘yong loob mo, tapos kapag nakuha na ‘yung loob mo, unti-unti na ‘yan. Doon na lalabas ‘yong totoong pagkatao nila.”

Aminado rin si Yen na maraming nasaktan at nasagasaan nang piliin niya itong mahalin.

“Ang mahalaga tapos na, and mas maayos ang takbo ng buhay ko ngayon,” sabi pa ng aktres.

Humingi rin ng tawad ang aktres sa mga taong nasaktan sa mali niyang desisyon sa buhay.

“Para po roon sa mga taong nasaktan ko noong mga panahon na ‘yon, I am so sorry. Wala po akong excuse roon. Mali po talaga ako. Nagkamali po ako,” paghingi ng paumanhin ni Yen.

Sino kaya ang tinutukoy ni Yen na manipulative at controlling na ex boyfriend?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …