Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jessica Sanchez Americas Got Talent

Jessica pasok sa balik-AGT, golden buzzer agad

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

EMOSYONAL ang muling pagkakapasok ni Jessica Sanchez sa 20th anniversary edition ng America’s Got Talent.

Sa show din kasi nagsimula ang singing career ng may dugong Pinay (nanay niya ay Pinay at Mexican-American naman ang tatay) na singer na sumikat nga dahil sa American Idol noong 2011.

After 20 years ay balik America’s Got Talent siya, may asawa na at nagdadalang tao pa.

Sa kanyang audition ay muli silang nagkita ni Simon Cowell na sobra pa rin ang paghanga sa kanyang singing voice and style. Pero ang judge na si Sofia Vergara ang nagbigay sa kanya ng golden buzzer para agad siyang mag-qualify sa semifinals.

Napanood namin ang naturang audition at sa aming palagay ay mas gumaling nga siya, mas naging mature ang atake, at mas nagkaroon ng appeal. 

Obvious ding gustong-gusto siya ng mga manonood kaya’t at this early ay isa na agad si Jessica sa mga sinasabing strong contenders for the 20th year ng AGT.

Susubaybayan natin ang journey niyang iyan. Good luck!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …