Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Camille Prats

Camille acting iiwan focus muna sa mga anak

MA at PA
ni Rommel Placente

NAGPAALAM na ang karakter ni Camille Prats bilang si Olive Caparas sa afternoon series ng GMA 7 na  Mommy Dearest, na matatapos na ngayong linggo.

Okey lang kay Camille na hindi na siya mapapanood sa serye dahil mas gusto niyang bigyan ng oras ang kanyang pamilya.

May dalawang anak si Camille sa asawang si VJ Yambao—sina Nala at Nolan. Bukod dito, may anak din siyang lalaki sa yumaong asawa na si Anthony Linsangan, si Nathan.

Sa kanyang Instagram page, ipinakita ni Camille ang ilang BTS o behind-the-scenes video at mga litrato na kuha sa set ng Mommy Dearest, kalakip ang mensahe para sa lahat ng sumubaybay sa programa.

When GMA offered me this role, it wasn’t a difficult decision to make. What I didn’t realize was how much I had been longing–as an actress–to take on a character different from the ones I usually portray: the kind-hearted, often oppressed protagonist,” simulang caption ni Camille.

Patuloy pa ng aktres, “Playing Olive breathed new life into my passion for acting. I’m truly grateful to have explored this different side of my creativity.”

Pinasalamatan din niya si Direk Gina Alajar, sa walang sawa nitong paggabay sa kanya para mas mabigyan ng justice ang role ni Olive.

A heartfelt thank you to direk @ginalajar for laying the foundation of this character and for your steady guidance, especially during our early taping days.”

Hindi rin niya nakalimutang magpasalamat sa mga kasamahan niya sa serye kabilang na sina Katrina Halili, Dion Ignacio, at Shayne Sava.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …