Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Acts of Lasciviousness

Acts of Lasciviousness inihain vs Taguig City barangay kagawad ng Cebu Prosecutor’s Office

NAKATAKDANG sampahan ng kasong Acts of Lasciviousness si barangay kagawad Apolonio Kibral Fulo, Jr., ng Barangay Pinagsama, Taguig City, kilalang kaalyado at bodyguard ng natalong District 2 congressional candidate na si Pammy Zamora, matapos makita ng Office of the Cebu City Prosecutor ang sapat na ebidensiya upang dalhin ang reklamo sa korte.

Ang reklamo ay inihain ng kapwa opisyal ng barangay kaugnay ng isang insidenteng nangyari sa isang official training sa Cebu City noong Abril 2024.

Matapos ang masusing pag-aaral ng mga pahayag, sinumpaang salaysay, at dokumento, inirekomenda ng piskalya ang pormal na pagsasampa ng kaso.

Batay sa Joint Resolution na lumabas noong 27 Mayo 2025, inirekomenda ng prosekusyon ang pagsasampa ng kaso sa Metropolitan Trial Court (MTC).

Kasalukuyang suspendido si Fulo ng anim na buwan matapos mapatunayang administratively liable sa kasong grave misconduct, immoral acts, at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Ngunit bago ito ay isinailalim ang kagawad sa preventive suspension para hindi maapektohan ang imbestigasyon.

Sa sandaling mapatunayang may sala ang kagawad  ay maaari siyang makulong at tuluyang matanggal sa posisyon at madiskalipika sa panunungkulan sa gobyerno. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …