Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Makati City

P8.96-B babayaran ng Makati
Mayor Nancy nais ibasura ‘Settlement agreement’ sa naudlot na subway project Imbestigasyon ikakasa

NAKATAKDANG maghain ng mosyon sa pag-atras at pagtutol sa Singapore International Arbitration Center (SIAC) ang lungsod ng Makati kontra sa inihaing settlement agreement ng Infra Development Corporation at ng nakalipas na administrasyon kaugnay ng naudlot na subway project na pinagbabayad ang lungsod ng P8.96 bilyon bilang danyos na nilagdaan noong 23 Hunyo 2025, pitong araw bago matapos ang termino ni dating Makati city mayor Abby Binay.

Ayon kay Atty. Ava Mari Ramel, ang city legal officer ng lungsod, pinaghahandaan na ang ihahain nilang petisyon sa 11 Hulyo sa SIAC para tutulan ang naturang kasunduan.

Naniniwala si Ramel na mayroong sapat na dahilan ang lungsod upang hindi pumasok sa isang settlement agreement ngunit tumanggi munang tukuyin ng abogado kung ano ang argumentong gagamitin.

Ipinunto ni Ramel, walang sapat na pondo ang lungsod para bayaran ang naturang halaga dahil ang pondong P8.4 bilyon ay nakalaang pasuweldo para sa mga empleyado, pambayad sa mga social services batay sa datos na mayroong pera ang lungsod.

Inamin ni Ramel, simula noong transition hanggang sa kasalukuyan ay pilit na hinihingi ng kampo ni Mayor Nancy Binay ang mga dokumentong may kinalaman sa subway project ngunit walang ibinibigay sa kanila kundi ang isang pirasong karton at kopya ng kasunduan.

Nanindigan si Ramel na hindi pabor sa pamahalaang lungsod at sa mga mamamayan ng Makati ang settlement agreement na pinasok ng nakalipas na administrasyon.

Dahil dito nakatakdang bumuo ng isang fact finding commission ang kasalukuyang adminitrasyon para magsagawa ng imbestigasyon upang matukoy kung bakit humantong sa kasunduang magbabayad ang lungsod.

Bukod dito, nais din imbestigahan ng bagong administrasyon ang iba pang Public-Private Partnership (PPP) projects katulad ng Makati Life at Makatizens card.

Umaasa ang administrasyon ni Mayor Nancy na maayos at magkakaroon ng solusyon ang naturang usapin na hindi ‘lugi’ ang pamahalaang lungsod dahil mayroon din silang hinihinging danyos sa kompanya lalo na’t ang huli ang umatras sa proyekto. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …