TINIYAK ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago na hindi niya kokonsintihin ang kahit sinong opisyal o ahente ng ahensiya na sangkot o may kinalaman sa pagkamatay ng mga nawawalang sabungero.
Hinamon ni Santiago ang whistleblower na si alyas Totoy na kanyang pangalanan at ituro ang sinasabi niyang mga kasamang taga-NBI.
Binigyang-diin ni Santiago, hindi biro at itinuturing niyang isang mabigat na paratang ang naging pahayag ni Totoy.
Mariing pinabulaanan ni Santiago na may kinalaman ang NBI sa pagkawala ng mga sabungero.
Kasunod ng paghamon ni Santiago kay Totoy ay kaniyang tinitiyak na magsasagawa sila ng imbestigasyon sa lalong madaling panahon sa mga opisyal o empleyado ng NBI na mapapangalanan.
Siniguro ng Director na ang mapapatunayang empleyado ng NBI, opisyal man o hindi, na sangkot sa kahit anong krimen lalo sa mga nawawalang sabungero ay hindi niya kokonsintihin bagkus ay papanagutin niya sa batas.
Tiniyak ng NBI na handa silang makipatulungan sa imbestigasyon at handa siyang ipa-line-up ang kanilang mga empleyado at opisyal upang ituro ni Totoy kung sino ang tinutukoy sakali mang hindi niya alam ang tunay na pangalan. (NIÑO ACLAN)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com