PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
GULAT na gulat ang BreKa (Brent Manalo at Mika Salamanca) at RaWi (Ralph de Leon at Will Ashley) nang sila na lang ang maiwan sa room during the big night ng PBB Collab Edition.
Mukhang iba talaga ang inaasahan nilang huling tatawagin bilang mga winner lalo’t malakas nga sina AzVer at CharEs.
Pero ang BreKa nga ang itinanghal na kauna-unahang big placer sa collab edition, habang second big placer naman ang RaWi, third ang CharEs, at fourth ang AzVer.
Balita ngang hindi na gumastos ang mayayamang families nina River Joseph at Az Martinez dahil sapat na raw na makarating sa big four ang dalawa.
Although ang RaWi ang ini-expect naming mananalo dahil sa dami ng following nila at ganda ng mga impression sa kanila, kagulat-gulat nga ang victory ng hindi masyadong nag-ingay na BreKa.
Kinaaliwan naman ng lahat ang kakikayan ng mga Bisayang sina Charlie Fleming at Esnyr. Proud na proud siyempre ang nanay-nanayan nilang si Klarisse de Guzman.
Congrats sa matagumpay na PBB Collab Edition na masasabi ngang nagbalik sa dating kasikatan ng reality show sa bansa.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com