Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marco Sison

Marco sa KPop at PPop, malaki ang impluwensiya sa ating musika

MA at PA
ni Rommel Placente

KAHIT  ilang dekada na sa music industry ay aminado si Marco Sison na kinakabahan pa rin kapag may concert.

Sa aming interview sa kanya, sinabi niyang marami nga raw ang naglalaro sa kanyang isip ngayon bago dumating ang Seasons of OPM concert niya na gaganapin sa July 25 sa The Theater at Solaire. 

Aminado siyang malaki na rin ang ipinagbago ng audience ngayon lalo na sa mga kabataan. Nag-iba na ang taste pagdating sa music at aminado siyang malaki ang naging impluwensiya ng KPop at PPop.

Pero base sa experience niya na patuloy pa rin naman ang career, nakatutuwa aniya na sa mga event na pinupuntahan niya, marami pa ring kabataan ang nakare-relate sa mga pinasikat niyang kanta tulad ng My Love Will See You Through at Always.

Kaya naman ang kanyang nalalapit na concert ay pagbabalik tanaw sa kanyang  musical journey. Para kay Marco, higit pa sa concert ang magaganap. 

Sabi pa niya, “This is my way of giving back to the music that has shaped me,I hope this inspires a new generation to embrace OPM and help carry it forward.”

Special guests ang dalawang matalik na kaibigan niya na sina Nonoy Zuniga at Rey Valera. Kasama rin sina Martin Nievera at Vice Ganda. Musical director niya ang nag-compose ng Si Aida, si Lorna o si Fe na si Louie Ocampo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …