MA at PA
ni Rommel Placente
MAY nakarating sa amin na after Pilipinas Got Talent (PGT), na isa sa naging hurado si Kathryn Bernardo, ang susunod na proyektong gagawin niya sa Kapamilya Network ay isang teleserye.
Yes, balik-teleserye na ang award-winning actress. At ang balita namin makakapareha niya si James Reid. At ang serye na pagbibidahan nina Kath at James ay kukunan pa raw ang ilang bahagi sa ibang bansa.
First time na magkakatrabaho sina Kathryn at James. Bagong putahe, ‘ika nga.
Tiyak matutuwa ang mga faney ni Kath, na muli na naman siyang mapapanood ng mga ito sa isang serye. Ang huling serye na ginawa ng dalaga ay ang 2 Good 2 Be True, 2 years ago, na pinagtambalan nila ng ex na si Daniel Padilla.
Ang huling serye naman na ginawa ni James ay ang Till I Met You noong 2016, na katambal niya ang dating ka-loveteam at karelasyon na si Nadine Lustre.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com