Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Daniel Padilla Bahay Aruga

Daniel binisita mga batang may cancer

MA at PA
ni Rommel Placente

NAKATUTUWA naman si Daniel Padilla. Sa kabila kasi ng busy schedule, naglaan talaga siya ng oras, at nag-effort para bisitahin ang mga batang cancer patient na pansamantalang nanunuluyan sa Bahay Aruga sa Paco, Manila nitong weekend.

Matagal na ring tumutulong at bumibisita si Daniel sa Bahay Aruga.

Hindi lang mga batang may cancer ang napasaya ng aktor sa kanyang pagbisita roon, kundi maging ang mga magulang at guardians ng mga ito, at volunteers ng nasabing foundation. 

Dahil nga sikat ang serye niya sa ABS-CBN, na isa sa bida si Daniel, kaya panay ang tawag sa kanya ng mga tao roon ng Andres Malvar, ang pangalan ng character niya sa serye.

Kasabay ng pagdalaw ni Daniel sa Bahay Aruga ang selebrasyon ng unang anibersaryo ng latest fan group niyang DJ FORDever.

Kilala ang aktor na may soft spot sa mga bata, matatanda, mga hayop, at sa kalikasan, kaya naman nai-inspire niya ang kanyang mga faney na tularan siya sa kanyang advocacies.

Kaya tulad ng ibang fandom ni Daniel, pinili ng DJFORDever na mag-celebrate ng kanilang anniversary na may social responsibility activity, na kasama ang kanilang idolong si Daniel.

Anyway, bukod sa mga ayudang grocery items at pa-party sa kids, super appreciated talaga ng mga pasyente ang makita at mayakap ang idolo nilang aktor.

Post ng leader ng fan group, “Daniel is the person who inspired and reminded us to do good deeds with the people around us and to give back to the community. We’re always proud of you Daniel!

“We are so lucky to witness this genuine happiness he shared with these kids. Can’t get over about the experience. Thank you so much Boss Supremo!”

Salamat sa iyong kabaitan, Daniel! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …