Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Comelec Elections

Mga nagwaging artista sa nakaraang eleksiyon nag-report na

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

NAGSIMULA nang mag-report nitong Lunes, June 30, sa kani-kanilang mga opisina ang mga celebrity-politician na nanalo last elections. Ito nga ‘yung turn-over ceremony nila na siyempre pa ay nagdulot ng bagong excitement sa kanilang mga constituent.

Sa mga respective social media account nila ay nakita natin ang muling paglibot ni Yorme Isko Moreno sa kanyang Manila City Hall office na ipinakita ngang ‘back-to-zero’ ang office na mayroon lang mga mesa at upuan. 

Si Bulacan Governor Daniel Fernando ay simpleng nagdagdag at nagbawas lang ng ilang mga gamit sa office nito lalo na’t ‘yung wala sa “feng shui.”

Sinamahan naman ang mahal nating si Batangas Governor Vilma Santos ng mga anak na sina Luis Manzano at Lipa District Congressman Ryan Christian sa pagtuntong niyong muli sa Kapitolyo ng Batangas.

Nakita rin namin ang post ni QC Councilor Aiko Melendez, na bilang nahalal na number one Councilor sa distrito niya ay nangakong mas dodoblehin ang oras para sa nasasakupan niya.

Si Pasig City Mayor Vico Sotto naman ay nagpahayag na wala siyang balak na tumakbo sa mas mataas na posisyon come 2028 dahil last term na niya ngayon bilang mayor at trabaho para sa Pasig ang kanyang focus.

So far ay perfect attendance naman ang karamihan sa mga celebrity-politician  natin sa kanilang turn-over ceremony gaya nina Alfred Vargas, Sol Aragones, Lucy Torres, Richard Gomez, among others.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …