MA at PA
ni Rommel Placente
NAG-AALANGAN pala noong una si Daniel Padilla na tanggapin ang seryeng Incognito noong i-offer sa kanya ng ABS-CBN.
Ito kasi ‘yung panahong may pinagdaraanan siya sa kanyang personal na buhay, kaya hindi niya alam kung maibibigay niya ang lahat-lahat sa teleserye.
“Alam natin kung gaano ako nag-alinlangan bago ko simulan at tanggapin ito. Nasa punto ako noon na sobrang gulong-gulo isip ko, litong-lito talaga ako,” sabi ni Daniel.
“Pero I think tama si Maris na ito rin ang pinakamagandang desisyon na ginawa ko sa buhay ko, grabe!
“Grabe ang lahat ng natutunan ko, grabe ang lahat ng pinagdaanan ko. Salamat sa Panginoon, ang galing Niya talaga. Thank you everyone!”
Sa tanong kung ano ang mga hindi niya malilimutan at challenging fight scenes na ginawa niya sa serye, ang sagot niya, “Lahat naman ay challenging, siguro ang pinaka-memorable na lang ay ‘yung una at huling fight scenes ko.
“Y’ung first fighting scene ko ay ‘yung sa train, memorable sa kin ‘yun dahil ‘yun ang unang sabak ko. Talagang si Direk (Lester Pimentel) ay pinarusahan ako roon.
“Biro mo first fight scene ko ‘yun, tapos ang kalaban ko halos 10 yatang lalaki ‘yun. Siyempre ang hirap ng choreo niyon, nakakapagod. Memorable rin po ‘yung last fight scenes ko, iba rin ‘yun. ‘Yun ang dapat niyo ring abangan,” sey pa ni Daniel.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com