Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Albee Benitez Nikki Benitez Ivana Alawi

Ivani ayaw lubayan ng intriga

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

“DAPAT pinanindigan na lang niya ang pagdeadma. Mas nagmukha tuloy pinaghandaan niya ang depensa niyang mukha namang scripted,” kantiyaw ng netizen sa nag-viral na lie detector test vlog ni Ivana Alawi.

Nang pumutok kasi last May ang isyu hinggil sa pagkakasangkot ng pangalan niya sa demanda ng asawa ni Cong. Albee Benitez, deadma at walang inilabas na pahayag si Ivana.

Then last June 21 or so nga ay bigla na lang lumitaw ang vlog nito na sumasagot ng mga tanong na galing umano sa mga supporter/subscriber niya.

At siyempre pa, ang pinaka-kontrobersiyal sa mga tanong ay may kinalaman sa kung siya ba ay isang “homewrecker?”

Mismong ang kapatid niyang si Mona ang nagbabasa ng tanong na siyempre pa ay sinagot ni Ivana ng “NO.”

Bilang alam niya ang pakiramdam ng isang broken family o galing sa broken home, hindi niya kailanman magagawang maging dahilan ng pagkakasira ng pamilya. 

Indirectly man daw na matatawag ang naturang lie detector test sa kinasasangkutan niyang eskandalo, “goods” na  ‘yun para sa mga patuloy siyang iniintriga.

Well, hati-hati at mixed pa rin ang reaction ng sambayanan lalo’t mabilis din nila itong nakokonek sa mga previous interview o vlog na tila salungat daw sa kasalukuyang sitwasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …