Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maricel Soriano Piolo Pascual Joshua Garcia Belle Mariano JK Labajo

Maricel, Joshua, Piolo magsasama sa Meet, Greet & Bye ng Star Cinema

MA at PA
ni Rommel Placente

MARAMING mga faney ng Diamond Star na si Maricel Soriano ang nagtatanong sa amin, dahil alam nilang isa rin akong Maricelian, kung kailan ba muling gagawa ng pelikula ang award-winning actress?

Huling napanood si Maricel sa In His Mother’s Eyes noong 2023, na gumanap siya bilang kambal ni Roderick Paulate

Ito na ang kasagutan sa mga supporter/nagmamahal kay Maricel. After two years, mapapanood na ulit sa wide screen si Maricel. May gagawin siyang pelikula titled Meet, Greet & Bye mula Star Cinema, na isang family drama, under the direction of Cathy Garcia-Sampana.

Makakasama niya sa pelikula sina Piolo Pascual, Belle Mariano, Juan Carlos, at Joshua Garcia.

First time makakatrabaho ni Maricel sina Belle, Joshua, at Juan Carlos, while si Piolo ay nakatrabaho at nakatambal niya na sa Mila, na ipinalabas noong 2013.

Siguradong labanan ng aktringan ang limang mga bida sa pelikula dahil pare-parehas silang  mahuhusay na artista.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …