MA at PA
ni Rommel Placente
PARANG pagsagot na rin daw sa isyung kinasangkutan ang ginawang lie detector test sa latest vlog ng actress at sikat na vlogger na si Ivana Alawi.
Nitong nakaraang buwan lang nang maging hot issue at kontrobersiyal ang pagdawit sa pangalan ng aktres sa reklamong Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 na inihain ni Dominique ‘Nikki’ Benitez laban sa dating asawang si Cong. Albee Benitez na inuugnay nga na may relasyon kay Ivana.
Sa lie detector test ni Ivana kasama ang inang si Fatima Marbella (Mama Alawi) at ang kapatid na si Hash Alawi ang sumalang.
Kabilang sa mga tanong kay Ivana ng nakababatang kapatid na si Mona ay “Ikaw ba ay nanira ng pamilya?”
Kaagad na sumagot ang aktres ng, “no.” At ang resulta ng lie detector machine, “‘truth.’”
Katwiran ni Ivana: “Hindi ako pinalaking manira ng pamilya. I respect family, kasi kami nga broken family. Ano ‘to, tapos maninira ako ng family? Sira ulo ka pala eh,” pagdidiin pa niya.
Kaya hindi man diretsahang sinagot ni Ivana na wala siyang kinalaman sa sigalot sa pamilya Benitez ay obviously pagtanggi na rin ito sa kaniyang involvement sa issue.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com