MA at PA
ni Rommel Placente
GAGAWARAN bilang Phenomenal Box Office King and Queen sa 53rd Box Office Entertainment Awards sina Kathryn Bernardo at Alden Richards dahil kumita ang pelikula nilang Hello, Love, Again ng P1.6-B. Gaganapin ang awarding sa Sabado, June 28, sa CPR Auditorium/RCBC Building, Ayala Avenue, Makati City.
Bongga ang KathDen, huh! Last year kasi ay sila rin ang pinarangalan bilang Box Office King and Queen sa Box Office Entertainment Awards, pero sa magkaibang pelikula.
Si Kathryn para sa pelikulang pinagbidahan niya, ang A Very Good Girl while si Alden naman ay sa pelikulang pinagtambalan nila ni Julia Montes, ang Five Breakups and A Romance.
Ang tanong, dumating kaya pareho ang KathDen sa awards night? May mga balita kasi na hindi sila in good terms ngayon. Sa isang fashion show nga na dinaluhan nila, sinasabing hindi sila nagpansinan.
Well, abangan na lang natin kung parehong darating ang KathDen sa Box Office Entertainment Awards.
Bukod sa KathDen, wagi rin sina Kim Chiu at Paulo Avelino bilang Most Popular Loveteam of Philippine Entertainment.
In fairness, mainit ngayon ang loveteam ng KimPau. Talagang sikat na sikat ang kanilang tambalan na nagsimula sa Linlang, na sinundan ng What’s Wrong With Secretary Kim.
At pagkatapos ng dalawang serye na ginawa nila, binigyan naman sila ng pelikula ng Star Cinema, ang My Love Will Make You Disappear na blockbuster sa takilya noong ipalabas ito. Kaya naman pararangalan sila bilang Most Popular Loveteam of Philippine Entertainement.
Congrats KathDen at KimPau.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com