MA at PA
ni Rommel Placente
TATLONG taon nang magkarelasyon sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose.
Ayon sa una, kilalang-kilala na nila ang ugali ng bawat isa kaya alam na nila kung paano iha-handle kapag may mga issue sila sa kanilang relasyon.
Sabi ni Rayver, ”what you see is what you get naman sa amin, eh. Sobrang genuine lang ng relationship namin, wala kaming…alam mo ‘yung mga filter?
“I mean, minsan nga nakakalimutan ko na naka-IG live pala kami, ipinakikita ko ‘yung tunay na sarili ko na. Alam mo ‘yun?
“And every time na kasama ko siya, hindi nawawala ‘yung kilig ko kapag kasama ko siya, so ayun.”
Tungkol naman sa pagpapakasal, ang sabi ni Rayver, “Siyempre roon naman na papunta. Wedding plans, napag-uusapan na namin. Pero ‘yung wedding plans kasi, gusto ko kasi siyempre ma-surprise pa rin siya kahit na sinasagot ko ito sa interview.
“Importante pa rin na wala siyang matunugan kung kailan mangyayari,” aniya pa.
Sundot na tanong sa aktor kung next year na ba ang wedding?
“Malalaman din naman ng lahat. At saka siyempre iyang plano na ‘yan dapat sinisimulan ko sa magulang niya.”
Ready na ba siyang maging asawa at tatay?
“Kapag dumating ‘yung araw na ‘yun, oo naman, oo naman. And hindi na rin naman ako bumabata. Tuwang-tuwa ako sa mga pamangkin ko, sa mga anak ni Rodjun (kapatid niya).
“So, I think kapag dumating ang araw na ‘yun masaya iyon, brand-new journey and panibagong simula,” sabi pa ng boyfriend ni Julie Anne.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com