Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Claudine Barretto

Claudine may pinagdaraanan, ninenega sa socmed

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MARAMI naman ang naawa kay Claudine Barretto dahil sa kasalukuyang pinagdaraanan na tila wala na raw gustong maniwala rito?

Hindi namin napanood ang sinasabing viral video nito na burado na o tinanggal na sa socmed, pero may kinalaman nga ito sa mga threat at mga sari-saring bintang o mga nega na salita laban sa kanya.

Hindi man daw ito pinangalanan sa nasabing video subalit may hinala si Clau na member of her family o mga taong malapit sa kanya ang may gawa niyon.

Inakala nga nating lahat na after siyang bigyan ng chance ng GMA 7 na makapag-bida uli ay  magtutuloy-tuloy na ang kanyang pagbabalik TV.

Although kasama siya sa isang Viva One series na pinagbibidahan ng mga kasalukuyang sikat na young stars, tila hindi pa nga masasabing may “big time’ comeback na ang magaling na aktres.

Mahal namin ang kaluka-lukahan ni Clau at pagiging kontrobersiyal nito, pero nalulungkot din talaga kami kapag may mga ganitong balita sa kanya.

Sayang talaga ang galing at husay niya bilang isang aktres kung laging sa mga ganitong isyu siya nasasangkot.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …