Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lani Misalucha

Lani ‘di itinanggi, ikinahiya pagpapa-ayos ng ilong

MA at PA
ni Rommel Placente

KUNG ang ibang celebrites ay ayaw umamin o nagde-deny na may ipinabago sila sa parte ng kanilang katawan o nagparetoke. Hindi ganito si Lani Misalucha. Never niyang ikinahiya o idinenay na nagparetoke siya ng kanyang ilong.

Proud pa nga ang award-winning singer na sumailalim siya sa “nose job,” dahil alam  niyang wala siyang ginawang masama at hindi siya siya nanghamak o nanloko ng kapwa.

Sa episode ng Ogie Diaz Inspires ni Ogie Diaz, napag-usapan nila ni Lani ang tungkol sa guesting niya sa ASAP last March, na binanggit niya ang pagpaparetoke ng ilong. Na ikinahagalpak ng tawa ng mga host ng show, kabilang na sina Regine VelasquezOgie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, at Martin Nievera.

“Kapag nakita n’yo ‘yung mga YouTube (video) ko roon, sa ‘ASAP,’ oo, hindi pa gawa ilong ko roon,” ang natatawang sabi ni Lani.

Pero sabi naman ni Gary Valenciano, kahit ano pa ang itsura niya ay mananatili pa rin ang pagmamahal, respeto, at paghanga nila sa kanyang talento.

Sa panayam nga ni Ogie kay Lani, inamin din ng host na talagang natawa rin siya sa naging hirit ng Asia’s Nightingale sa nasabing noontime varety show ng ABS-CBN.

Reaksiyon ni Lani, “Totoo naman. Kapag tiningnan mo ‘yung clips ng mga guesting ko dati sa ‘ASAP,’ makikita mo ‘yung difference. Before and after.

“’Yung mga hindi nga artista nagpapaayos, eh. ‘Wag na kayong magtanong. Ako na magsasabi kasi kita mo naman ang difference,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …