Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sylvia Sanchez Grandchild apo Arjo Atayde Maine Mendoza

Arjo ipinaalam kay Sylvia, after two years pa mag-aanak

MA at PA
ni Rommel Placente

MASAYANG-MASAYA si Sylvia Sanchez kapag nakakasama ang apo kay Ria Atayde at Zanjoe Marudo, si Sabino. Unang apo kasi niya ito, kaya naman ganoon na lamang ang atensiyon na ibinibigay niya rito.

Spoiled nga raw kay Sylvia ang baby dahil madalas ay ipinagsa-shopping  niya ito ng mga gamit.  

Hindi naman maiwasan itanong sa award-winning actress kung gusto na rin ba niyang magkaapo kina Arjo Atayde at Maine Mendoza. Kung iisipin kasi, ay mas naunang ikinasal ang dalawa. 

Sey ni Sylvia, ayaw pa niya munang umasa ngayon, dahil desisyon naman ng mag- asawa na i-enjoy muna ang buhay na magkasama sila. Sabi raw ni Congressman Arjo sa kanya ay aayusin muna nito ang dapat ayusin, at saka sila mag- aanak. 

Ang sagot ni Sylvia ay, ‘okay bahala kayo.’ So, hindi na nila  pinag-usapan.

Pero ang sabi rin ni Arjo ay after two years. 

Samantala, busy si Sylvia hindi lamang sa pag-arte kundi  sa pagpo-produce ng pelikula.This time ay co-producer ang Nathan Studios sa film maker na si Alemberg Ang sa isang Japanese movie na may titulong Renoir na nakasali sa 78th Cannes International Film Festival noong nakaraang buwan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …