Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jessy Mendiola Gerald Anderson Sins of the Father

Jessy aminadong nanibago sa 6 na taong pagkawala sa showbiz

MA at PA
ni Rommel Placente

BALIK-TELESERYE si Jessy Mendiola after 6 years via Sins of the Father mula sa ABS-CBN. Isa itong crime thriller mystery drama.

Siya ang kapareha rito ng pangunahing bida na si Gerald Anderson.

Kasama rin sa serye sina JC De Vera, Shaina Magdayao, Joko Diaz, RK Bagatsing, Seth Fedelin, Francine Diaz, Soliman Cruz, Nico Antonio, Jerald Napoles, John Arcilla, at Tirso Cruz III.

Sa mediacon ng nasabing serye, tinanong si Jessy kung anong pakiramdam sa muli niyang pagbabalik sa serye. Ang sagot niya, “Baguhan. Almost 6 years din kasi akong nagpahinga, tapos hindi ko po akalain talaga na babalik pa ako, kaya I’m very grateful. 

“Actually, naninibago pa po ako kasi first big event ko ito sa showbiz after almost 6 years.

“Kaya nga I’m very grateful kina direk kasi inaalagaan nila ako sa set, the production and staff, and even my co-actors kasi alam nilang first soap (series) ko for a very long time.”

Patuloy niya, ”Inalagaan nila ako sa mga eksena. They were very accommodating sa mga concern ko, questions ko. So, kaya I’m very grateful, I’m nervous and excited in what in store for me sa pagbabalik ko.”

Hindi pa ini-reveal ni Jessy kung ano talaga ang karakter niya sa serye bukod sa pagiging partner nila ni Gerald. Pero aminado siyang hindi pa niya nagampanan ito mula nang mag-artista siya.

Kaya challenging sa kanya ang role niya.  “Actually ito ang nagpa-yes din sa akin para tanggapin ang project and I’m very grateful tulad nga ng sinabi ko kanina inalagaan ang role ko kung paano umarte.

“Siguro ang pinaaka-challenging is iwanan ko ‘yung anak ko sa bahay. Mas ‘yun kasi siyempre when you’re a mom hindi ka 100% sa trabaho mo, kasi parati mong iniisip ‘yung anak mo sa bahay, pero parati naman akong bumabalik sa trabaho kasi nga naalagaan ako ng mga kasama ko kaya gusto kong ituloy-tuloy ito.”

Mapapanood na ang Sins of the Father simula June 23 sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Iwant, TFC, at Kapamilya online live handog ng JRB Creative Productions headed by Julie Anne R. Benitez for ABS-CBN.

Sina FM Reyes at Bjoy Balagtas ang direktor ng serye. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …