PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
MARAMI ang nagpahayag ng kalungkutan sa pagkaka-evict ng ShuKla sa PBB.
Ang tandem nina Shuvee at Klarisse de Guzman nga ang latest evictees ng PBB na sobrang ikinalungkot ng marami.
Inaasahan kasi ng mga supporter ng show na aabot hanggang final four ang ShuKla, pero nang dahil nga sa three points na ibinigay dito ng tandem nina AzVer o nina AZ Martinez at River Joseph, nalagay sila sa until na-evict nga.
Maraming bashing ang inabot ng AzVer at marami rin ang pumuna sa ‘pera-perang’ sistema raw ng reality show lalo’t si River nga ay galing sa napakayamang angkan o pamilya na konektado sa mga may-ari ng SM.
Kahit ang mga personalidad na sina Vice Ganda at Kara David ay nanghihinayang sa pagkakatsugi nina Shuvee at Klarisse dahil deserve ng mga ito na manatili at eventually ay manalo sa show.
Well, kung ang mga reaksiyon ng mga tao ang aming pagbabasehan, hindi hamak na mas lalo ngang sumikat si Klarisse at nagkaroon ng bagong fans.
Sa lahat naman kasi talaga ng mga housemate ng audition na ito ng PBB, si Klarisse naman talaga ang matatawag na may pangalan na at kilala.
Kaya nga dobleng excited si meme Vice na muli siyang ipag-produce ng concert.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com