Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aiko Melendez Candy Pangilinan

Aiko kay Candy: Hindi na ako mawawala, welcome back to my life

MA at PA
ni Rommel Placente

PAGKATAPOS ng almost two years na hindi pagkakaunawaan, nagkaayos na ang magkaibigang Aiko Melendez at Candy Pangilinan

Aksidenteng nagkita sina Aiko at Candy sa Greenhills at nagbatian sila. At ‘yun na ang naging daan para maayos ang gusot sa kanilang dalawa.

Sa vlog ni Aiko ay nag-guest si Candy. Dito ay binalikan ng dalawang aktres kung paano nagsimula ang kanilang pagkakaibigan at ang naging away nila.

Kuwento ni Aiko, mga teanager pa lang sila ni Candy nang magsimula ang kanilang friendship sa University of the Philippines, Diliman na roon sila nag-college.

“Si Candy ang unang nag-master, nag-initiate siya sa akin sa UP noong papasok ako. Imagine, ha, tinarayan niya ‘ko. Kasi sa UP Theater Arts siya, siya ‘yung isa sa mga pioneer doon,” simulang pagbabahagi ni Aiko.

Tandang-tanda pa ng actress-public servant nang lapitan at magtanong siya kay Candy kung saan ang direksiyon papuntang Theater Arts building pero hindi siya nito kinausap.

Tiningnan niya po ako from head to toe. Iniligaw niya po ako sa UP. Tapos hindi ko alam magiging best friend ko pala,” pagbabalik-tanaw ni Aiko.

Kasunod nito, naging malapit na silang magkaibigan at mula nga noon ay palagi na silang nagkasama sa mga lakaran at ang pagtutulungan nila sa kanilang showbiz career.

Sabi naman ni Candy, pinakiusapan siya ni Aiko na tulungan siya sa kanyang pag-aartista, “Dati tagabasa pa ako ng script nito. Totoo.”

Minsan na ring ini-request ni Aiko sa isang produksiyon na maging best friend niya sa isang pelikula si Candy na nakasama nila si Christopher de Leon. Ang tinutukoy ni Aiko ay ang Higit Pa Sa Buhay Kona ipinalabas noong 1999.

“Gusto ko ikaw ‘yung best friend kasi tayo talaga inseperable,” ani Aiko.

At tungkol nga sa naging hindi nila pagkakaunawaan ni Candy, “She tried to explain her side, but siguro sa sobrang sakit niyog nagawa niya sa akin, I’d rather not hear from her muna because I want to heal.”

Sabi ni Aiko, nagsimula ang hidwaan nila ni Candy dahil sa pagiging taklesa nito, “Gusto ko sana na matuto, na may matuto rito, na kapag kaibigan mo, kahit nakainom ka o hindi, dapat kaibigan mo ‘yan.

“Hindi ka nagiging very carefree in saying things, tactless. Because ako, kapag naging kaibigan mo ako, ipagtatanggol kita, kahit nakaharap o nakatalikod,” sey pa niya.

Rito na nga napansin ng mga netizen na hindi na nakakasama si Aiko sa mga vlog ni  Candy at ng iba pa nilang kaibigan na sina Carmina Villarroel, Gelli de Belen, at Janice de Belen.

Ayon naman kay Candy, hindi na niya maalala kung anong naging ugat ng kanilang away, “Ang tagal kong inisip, in-analyze. Iniisip kong mabuti.

“May iniisip akong tao, ‘yung tao na ‘yun na naisip ako, na hanggang ngayon, hindi ko kinakausap. Dahil feeling ko, siya ang nag-ano ng kuwento. Dahil usually siya ‘yung nagiging cause ng maraming ano. Sabi ko, baka siya. ‘Yun lang,” sabi ng komedyana.

Sey ni Aiko, “Almost two years ba tayong hindi nagkita at hindi nag-usap? It comes with maturity, ‘no, na siguro we came to a point na hindi na natin kailangang mag-usap, what went wrong.”

Aksidente silang nagkita one time sa Greenhills, sey ni Candy, “Nagpansinan tayo tapos niyakap ka ni Quentin (anak niya). Tapos sabi mo, ‘Uy, usap tayo ha?’ Sabi ko, ‘Sige sige sige.’ Tapos umalis ka kasi may pupuntahan ka pa yata.”

Tanong ni Aiko sa kaibigan, kung tama ba ang naging desisyon nito na magdedmahan sila ng mahabang panahon.

“Ako, sa totoo lang, kung kinonfront kita noong mga panahon na ‘yun, baka hindi tayo umabot sa ganito. Baka mag-away tayo, magsigawan tayo.

“Ano ba dapat? Sa tingin mo ba, tama rin ito na umabot din tayo sa puntong ito na hindi na natin kailangang mag-usap? And then we just trusted na aabot din tayo na magkakaayos tayo?” ani Aiko.

Sagot ni Candy, “Proseso mo ‘yun, eh. So, hindi ko puwedeng i-judge. Hindi ko puwedeng sabihin na ‘dapat ito ang ginawa mo,’ kasi proseso mo ‘yun, eh.

“‘Yun ang nararamdaman mo. I cannot judge your emotions. I cannot judge how you feel kasi that’s how you feel, eh,” aniya pa.

Samantala, kasama pala dapat si Aiko sa pelikulang Roadtrip, na ipinalabas noong 2024 na pinagbidahan nina Candy, Carmina, Gelli, at Janice. Ito’y idinirehe ni Andoy Ranay mula sa panulat ni Candy.

Kuwento ni Aiko na naiiyak na, “Noong kinu-conceptualize natin ‘yung pelikulang ‘yun, dapat kasama ako, ‘di ba? Noong idini-discuss mo ‘yung pelikulang ‘yun, dapat kasama ako.”

Pinanood ni Aiko ang Roadtrip kasama ang partner na si Jay Khonghun, “Sabi ko, ang saya ko para sa best friend ko, kasi natupad niya na ‘yung pangarap niya na magsulat ng script.

“Do you know na ako ‘yung happiest niyon? So, after niyon, pinalabas unang time sa Netflix, sabi ni Jay, ‘Uy, palabas na ‘yung pelikula ng kaibigan mo sa Netflix.’

“Sabi ko, ‘Ah, talaga?’ Pinanood namin together,” sey ng premyadong aktres.

Nag-promise si Candy na gagawa uli siya ng script para makasama si Aiko sa pelikula, “Huwag kang mag-alala, gagawa pa tayo. Kinausap naman kita, tinanong kita, ‘di ba?

“Susulat ako ulit. Susulat ako ulit, huwag kang mag-alala. Rito siguradong kasama ka,” ani Candy.

Ito naman ang pangakong binitiwan ni Aiko para kay Candy., “Siguro itong hindi natin pagkaintindihan is just one for the books. Siguro it will make our friendship stronger, better.

“And always remember, ito mapapangako ko sa ‘yo, bes. Hindi na ako mawawala. Kasi every step of the way, nandito na ako. Welcome back to my life!,” mensahe pa ni Aiko kay Candy. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …