Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
SB19 Simula At Wakas 2

SB19 concert record breaking sa Phil Arena

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

ISA na marahil sa pinaka-bonggang concert na pinag-uusapan hindi lang sa bansa kundi maging sa abroad, ang kick-off concert ng SB19 para sa kanilang Simula at Wakas world tour.

Grabe ang mga nag-trending na videos na kuha sa first night nito last May 31 and for sure, mas lalo na last night, June 1, sa Philippine Arena.

Tinatayang umabot sa halos 55k ang mga taong dumagsa in both nights kaya naman hindi nakapagtatakang naglabas ng mga advisory bulletin ang pamunuan ng NLEX dahil sa traffic ng parehong mga tao at sasakyan sa naturang lugar sa Bulacan.

Sa mga snippet na napanood namin, madamdamin, punompuno ng excitement, magagaling, in high spirits at tunay namang pang-world class ang SB19 performances nina Stell, Pablo, Ken (Felip), Josh. at Justin.

Mahirap nang mapantayan ang mga ganoong palabas at hindi kami magtataka kung very soon ay mas pang-Guinness World Record ang mga pagtatanghal na gagawin ng sikat na sikat ngayong SB19.

Sa mga ka-Atin at ka-Mahalima, congratulations po!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …