Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Javi Benitez Bettina AlbeeBenitez Nikki Benitez.

Javi nagsalita na: Let’s choose to be kind

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

SA kanyang Facebook account naman ay nagpahayag na rin ng saloobin si Javi Benitez, isa sa dalawang anak nina Cong Albee at Mrs. Nikki Benitez.

Although wala naman itong sinabi hinggil sa demanda ng ina sa kanyang ama, nakiusap itong huwag umanong maniwala sa mga fake news at mga nakikisawsaw sa usapin.

Sinabi pa ng dating aktor na naniniwala pa rin sila ng kanyang kapatid na si Bettina na magkakaroon ng pagkakataon na maayos ang lahat sa kanilang mga magulang.

Nakalulungkot man daw na pinagpipiyestahan sila ngayon, umaasa pa rin siya na may magandang ending ang lahat.

Pero marami ang naintriga sa kanyang pahayag na sa mga taong totoo at tunay daw nakaaalam ng sitwasyon o mga pangyayari ay nagpapasalamat sila ng kanyang kapatid.

At sana raw ay makatagpo sila ng “tunay na pag-ibig, na hindi nasusukat sa pera, status o panlabas na imahe.”

Sa huli ay sinabi pa nitong maraming mga bagay ang dapat asikasuhin ng bansa at dapat ng mag-move on. “Let’s choose to be kind,” hirit pa nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …