Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ellie Jake Ejercito Vlogger

Jake kinastigo vlogger na kinunan ang anak na si Ellie

MA at PA
ni Rommel Placente

UMALMA si Jake Ejercito sa nag-trending na video ng isang vlogger na kinunan nito ang 13-year-old daughter ng aktor kay Andi Eigenmann na si Ellie.

Kita sa video na ayaw ng dalagita na kuhanan siya at tutukan ng camera, pero itinuloy pa rin ng vlogger ang pagbi-video rito, at ipinost pa sa kanyang socmed account.

Nakarating kay Jake ang nasabing socmed post kaya naman agad-agad nitong kinuha ang atensyon ng cyber citizens. Humingi ito ng tulong sa kanyang followers at mga netizen nitong Biyernes.

Ayon kay Jake, “This ‘influencer’ filmed Ellie without her consent. She did not want to be in his video—let alone be posted by him. Clout-chasing should never come at the cost of someone’s privacy, especially a minor.”

After naman ng one hour, nagbigay si Jake ng update sa kanyang socmed account tungkol sa ipinost ng vlogger.

Dito na niya ibinalita na binura na ng nasabing influencer ang video. Deleted na raw sa socmed. Pinangalanan din ng aktor ang umano’y clout chaser na influencer at naka-tag pa ito sa mismong post ni Jake.

Makikita rin sa latest socmed post ni Jake ang mukha ng vlogger kasama si Ellie na tinatakpan ang face niya habang nakatutok ang camera.

Post ni Jake, “Please continue reporting the page of this irresponsible clout chaser who ambushed a 13-year-old girl for views. I’m now in the process of exploring legal options.”

Naka-post din online ang screenshots ng mga bastos na komento ng ilang netizens na tila kinukunsinti ang ginawa ng vlogger. Balak kaya ni Jake na isama ang mga bastos na nagkomento sa legal action na gagawin niya?

Maraming netizens naman ang kumampi sa ginawang ito ni Jake.

Agree ang mga ito na dapat makasuhan ang mga ganitong klaseng tao. Sana nga raw maging aral ito sa ibang netizens na ‘wag basta-basta magpo-post ng mga photo at videos ng mga minor, lalo pa at wala itong pahintulot mula sa mga magulang or guardians.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …