Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rachel Gupta CJ Opiaza

Rachel Gupta nagbitiw, CJ Opiaza bagong Miss Grand International?

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

NAKU ipush na talaga iyan.”  Sigaw ng mga beauty enthusiast sa posibleng korona na ibibigay kay Christine Juliane Opiaza bilang Miss Grand International 2024.

Matapos ngang ianunsiyo ni Nawat Itsaragrisil na tinanggalan nila ng korona ang reigning queen na si Rachel Gupta ng India, si CJ na ang inaasahang mabibigyan  bilang ito naman ang first runner-up.

Sa inilabas na pahayag ng Miss Grand International organization, tinanggalan nila ng crown si Rachel dahil sa hindi nito pagsunod sa mga tungkulin niya.

Naglabas naman ng pahayag ang Miss India winner na siya ay nag-resign dahil sa hindi na niya makayanan ang mga ka-cheap-an na ipinagagawa sa kanya gaya ng pagbebenta ng kung ano-anong produkto sa Tiktok at iba pa.

Well, ano’t anuman ang maging desisyon ng team ni CJ, malaking bagay pa rin para sa bansa ang magkaroon ng naturang beauty title, mereseng sobra itong eskandaloso at kontrobersiyal.

Itinuturing kasing pasok sa anim na pinaka-prestigious title ang Miss Grand International kasama ng Miss Universe, Miss World, Miss International, Miss Earth, at Miss Supranational, pawang mga korona na napagwagian ng Pilipinas.

Isa na sa mga may-ari ng Miss Universe organization si Nawat na tinatawag na Uncle Nawat ng mga mahihilig sa beauty contests, kaya’t dapat itong tanggapin ni CJ.

Huli man daw at magaling, mananalo pa rin!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …