Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julia Barretto Gerald Anderson Ogie Diaz

Ogie Diaz iginiit Gerald at Julia ‘di totoong hiwalay

MA at PA
ni Rommel Placente

SO, walang katotohanan ang mga kumakalat na chikang hiwalay na sina Julia Barretto at Gerald Anderson.

Base sa nakalap ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz, nananatiling magdyowa ang dalawa.

Kabilang kasi ang isyung hiwalayan nina Gerald at Julia sa pinag-usapan sa last episode ng Showbiz Update kasama sina Mama Loi at Tita Jegs.

Ayon kay Ogie, Isang source na nakakikilala sa dalawa ang nagsabing hindi totoo ang isyung hiwalay na sina Gerald at Julia.

Sabi ni Ogie, “Kasi ang alam ko riyan, sila pa rin. Ang alam ko ha. Kasi mayroon akong isang tineks. Sabi ko, ‘Sila pa ba?’ Sagot sa akin, ‘Mama, fake news ‘yan! Huwag kang maniwala. So sila pa rin. 

“Si Gerald Anderson ay hindi pa rin ako sinasagot pero na-seen naman niya ‘yung message ko para rin malaman natin kung ano ba talaga ang totoo [sa relasyon nila ni Julia],” pagpapatuloy pa ni Ogie.

Pero hindi pa rin namamatay ang chikang wala na ang dalawa dahil marami sa mga netizen ang nakapansin na burado na ang mga larawan ng aktor sa IG feed ni Julia.

“Alam mo namang nagiging batayan ngayon ng netizens ang mga Instagram post,” sey pa ni Ogie.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …