Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Albee Benitez Nikki Lopez-Benitez Ivana Alawi

Ivana Alawi idinamay ni Nikki Benitez sa isinampang reklamo

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

HALA, matindi ang eskandalong kinakaharap ngayon ni Ivana Alawi.

Pinangalanan siyang “other woman” ng uupong Congressman ng Bacolod na si dating Bacolod City Mayor Albee Benitez.

Ito ay ayon na rin sa isinampang kaso ng maybahay ng kongresista na si Mrs. Dominique “Nikki” Lopez-Benitez laban kina Cong. Albee at Ivana.

VAWC o Violence Against women and Children ang kasong isinampa sa dalawa na ayon pa sa naging salaysay ni Mrs. Benitez ay nagbunsod sa pag-amin ng politiko-TV producer na nagkaroon siya ng dalawang anak sa labas habang nagsasama pa sila ng dating asawa at kalauna’y kinompirmang may relasyon sa aktres-vlogger.

Matinding mental at emotional distress umano ang naranasan ng maybahay ni Cong. Albee dahil sa mga nalaman niya.

Noon pa may mga balitang mayroong namamagitan kina Ivana at Albee lalo’t may mga sighting sa kanila na magkasama here and abroad.

Kahit ang minsan na naging parte ng showbiz na si Jayvee Benitez bilang TV actor at ex-bf ni Sue Ramirez at anak nina Cong. Albee at Ms Nikki ay napadalas din ang pag-post noon ng mga cryptic message dahil sa mga naglabasang tsismis tungkol sa ama at karelasyon nito.

Saan kaya ito aabot?

Sa kabilang banda, last year din ay naglabas ng pahayag si Ivana thru her Facebook account hinggil sa isyu.

Itinanggi nito na siya ang tinutukoy na babae ni Cong. Albee at aniya, nagpapahayag siya dahil sa mga hindi magagandang salita na ipinupukol sa kanyang ina at kapatid na babae.

“This will be the first and last time na magsasalita ako tungkol dito,” saad ng post ni Ivana na umaming, “I am currently seeing someone who makes me happy. All I can say is that he is a respectable businessman and not a politician.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …