Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bianca Umali PBB

Bianca ibinahagi theme song ng PBB ginamit sa wake ng kanyang ina

MA at PA
ni Rommel Placente

ANG Kapuso aktres na si Bianca Umali ang celebirty house guest sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Sa confession room, noong ipinatawag ni Kuya si Bianca, isang bagay ang inamin ng aktres sa kanyang agenda sa pagpasok sa pinakasikat na bahay sa Pilipinas.

Sabi ni Bianca, “Sa totoo lang Kuya, may confession po ako sa inyo. Hindi po ako pumasok sa loob ng bahay para po sa sarili ko. Nandito po ako Kuya para sa mommy ko.

Aniya pa, isa ang PBB  sa mga sinubaybayan ng kanyang ina noong nabubuhay pa.

“Ang mommy ko po, mula po Season 1, mahal na mahal po niya ang programa ninyo. Mahal po niya ang bahay ninyo,” pagpapatuloy ni Bianca.

Kasunod nito ay ang paglabas ng Kapuso actress ng larawan ng kanyang ina at ipinakita kay Kuya.

Ito po ang Mommy ko, May po ang pangalan niya. I lost my mom when I was 5 to breast cancer. And, in the duration of her breast cancer journey, kayo po ang kaligayahan niya,” Bianca.

Dagdag pa niya, noong burol ng kanyang ina, ang ginamit na kanta para sa kanyang AVP ay ang theme song ng programa.


“Gusto ko rin po iparating sa inyo Kuya na noong wake po ng mommy ko, sa sobrang mahal po niya ‘yung show ninyo, at alam po ng mga tao ‘yun, ‘yung AVP po na ginawa po para sa memories niya, ang theme song po ay ‘yung theme song ninyo, ‘yung ‘Pinoy Ako.,’” kuwento pa ni Bianca.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …