Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Barbie Forteza Kyline Alcantara

Barbie at Kyline nagbabardagulan

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

NAPANOOD na ba ninyo ang teaser ng puksaan nina Barbie Forteza at Kyline Alcantara sa Beauty Empire?

Grabe pero nagmama-asim nga ang nasabing teaser na kinaaliwan ngayon ng netizen at mga fan nina Barbie at Kyline sa pinakabagong serye ng GMA, CreaZion, at Viu.

Pasabog na teaser ang inilabas noong May 26 na makikita ang intense tarayan, sabunutan, at basaan nina Barbie (Noreen Alfonso) at Kyline (Shari De Jesus).

Siyempre, agaw eksena rin ang pagsigaw ni Ruffa Gutierrez (Velma Imperial) ng “Oh my gosh! Stop it!” habang nanlalaban ang kagandahan.

Laban na laban talaga ang pagiging #girlboss nina Barbie at Kyline sa teaser pa lang,  kaya marami ang lalong humanga sa dalawang GMA stars at na-excite sa serye. 

Sey nga ng isang netizen, “Hala nagtapat ang 2 sa pinakamagaling umarte sa GMA. Walang tapon sa eksena ng mga to.”

Simula na ng pinakamagandang laban. Mapapanood na ang serye soon sa GMA 7.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …