Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Luis Manzano Vilma Santos

Luis buhay na buhay, pagpanaw fakenews

MA at PA
ni Rommel Placente

ANG ibang mga netizen talaga, walang magawa sa buhay kundi ang magpakalat ng fake news.

Trending ngayon ang TV host na si Luis Manzano na umano’y ipinagluluksa matapos ang biglaang pagpanaw.

Maraming Facebook pages ang nagkakalat ngayon na patay na raw ang panganay ni Vilma Santos na may mga kalakip pang mga larawan ng pagdala umano sa ospital pati na rin ang larawang nakahiga ito sa isang kabaong.

Iba-iba ang caption ng mga post, ang ilan ay nagsasabing nagdadalamhati ngayon ang dating aktres at asawa ni Luis na si Jessy Mendiola.

Mayroon ding umiiyak ang ina nitong si Vilma at sinabing lumaban daw ang anak sa kabila ng mga pangyayari.

May mga post pa ngang sumuko na raw ang ama ni Luis na si Edu Manzano na may kinalaman daw sa pagkamatay ng anak dahil sa pera.

Obviously ay fake news lamang ang mga ito dahil buhay na buhay si Luis.

Katunayan, active ito sa kanyang social media pages at nagbabalik sa kanyang pagbabahagi ng mga funny video clip at memes.

Kaka-post pa nga lang ni Luis ng mga picture ng manggang hilaw with bagoong.

Chika niya sa caption, “Saraaaaaap!!! Pag kinain ko to cannibalism labas.”

Matagal na ang pagpo-post ni Luis ng mga memes sa social media at natigil lamang nang nangampanya ito at tumakbo sa pagkabise gobernador ng Batangas noong midterm elections.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …