Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lovi Poe

Lovi buntis na nga ba?

MA at PA
ni Rommel Placente

MAUGONG ang balitang buntis na raw si Lovi Poe. Bagaman wala pang pagkompirma galing sa aktres, may mga reliable source na nagsasabing true ito. 

Pero ang nakakaloka ay seven months na how raw itong nagdadalantao.  

Walang nakapansin dahil rumampa pa ito sa isang sexy fashion show ng isang brand few months ago. Naka- two piece pa si Lovi kaya naman medyo mahirap paniwalaan na buntis na nga ito dahil nag-uumapaw ang kaseksihan. Pero hindi rin naman imposible dahil may mga babae namang maliit lang magbuntis.  

Pero kahit may ganitong chika hindi pa rin naman nagpapahinga sa trabaho ang aktres. 

Sa kasalukuyan, nagsu-shooting pa ito ng pelikula na produce ng film production nila ng asawang si Monty Blencowe, ang C’est Lovi. Ito ‘yung The Sacrifice na isinulat ni Jerrold Tarog at idinire ni Prime Cruz.

Well, wala namang masama kung true nga ang tsikang ito dahil 36 years old na rin si Lovi at kailangan niyang habulin ang pagkakaroon ng anak. 

Ikinasal ang aktres sa British na si Monty sa England noong 2023.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …