MA at PA
ni Rommel Placente
INIHAYAG na ng Kapamilya Network na si Robi Domingo ang magiging host ng Idol Kids Philippines, na malapit nang mapanood sa susunod na buwan.
Magiging co-host niya rito ang ‘90s Pop Icon na si Jolina Magdangal.
Bongga si Robi dahil hindi pa natatapos ang Pilipinas Got Talent ay mayroon ng nakalinyang trabaho para sa kanya. Idagdag pa riyan ang pagiging host niya ng nagwakas na Time To Dance at ng Pinoy TV reality competition show na Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.
Napapanood din siya paminsan-minsan bilang host sa Sunday noontime musical variety show na ASAP.
Bagamat may mga natuwa para kay Robi dahil feeling nila ay deserved nito ang bagong hosting job, marami rin naman ang nang-okray sa TV host.
Hirit ng ilang nagmamaldita, pinakyaw na raw ni Robi ang halos lahat ng shows ng ABS-CBN. Siya lang daw ba ang magaling mag-host at hindi kumuha ng iba?
May mga nang-intriga pa na panis o kabog daw ngayon ni Robi si Luis Manzano sa pagiging indemand pagdating sa paramihan ng hosting job.
Kung dati-rati raw ay si Luis ang paborito ng ABS-CBN bilang host, ngayon daw ay si Robi na.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com