Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sophia Nadia Montenegro Baron Geisler

Nadia napatawad na si Baron, karapatan sa anak ibinigay

MA at PA
ni Rommel Placente

MAY basbas na talaga si Nadia Montenegro kay Baron Geisler para makabawi ito bilang ama ng kanilang anak na si Sophia.

Sa recent interview ng aktres sinabi niya na sa kasalukuyan ay nasa poder ng aktor ang anak mula pa Pebrero. Abala ang mag-ama sa pag-asikaso sa pag-enrol ni Sophia dahil college na  ito.

Mag-iisang taon na mula nang aminin ni Nadia sa publiko na si Baron ang ama ng isa sa mga anak niya.

Halos ayaw pag-usapan ni Nadia ang tungkol dito pero kalaunan ay napatawad na rin si Baron at hindi na ipinagkait ang anak. Pumapayag na rin ito sa co-parenting set up. 

Kaya naman todo rin ang kayod na Baron ngayon dahil bahagi ng pagbawi niya ay ang pagsuporta sa pag-aaral ni Sophia. Mabuti na lamang at hindi nababakante ng trabaho ang aktor. Bukod sa regular siyang napapanood sa seryeng Incognito ay may upcoming movie projects din siya. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …