Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jayda Boss Vic del Rosario

Boss Vic sa collab sa music label na may global presence, UMG: Dahil iyan sa iyo Jayda

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

POSIBLENG kainggitan ang maganda at magaling umawit/mag-perform na anak nina Jessa Zaragozaat Dingdong Avanzado na si Jayda dahil sa mediacon in full force ang mga big boss ng Viva Entertainment at UMG (Universal Music Group)

Dumalo sa launching ni Jayda ang mga big bosses ng Viva sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario, at mga anak na sina Val, Vincent Jr. pamangkin na si Verb, at ang friendship nating si Veronique.

Ang UMG naman na may global affiliates sa 60 countries ay ini-represent ng head nitong si Enzo Valdez.

Simply grateful, thankful, very ecstatic, dream come true, ano pa ba ang pwede kong idagdag?,” sey ng 22-year old na si Jayda.

Hindi masasabing bagito dahil may mga experience na siya sa acting and singing and performing on stage and having an album, “this is like my second wind or second coming sa showbiz. Sobra-sobra lang po talaga akong nagpapasalamat na binigyan ako ng chance ng Viva at UMG,” hirit pa ng mas sumeksi, mas mature magpahayag, at mas may palabang boses na si Jayda.

For the very first time sa halos limang dekada na sa industry ng Viva, ngayon lang sila nakipag-collab sa isang music label na mayroong global presence.

Dahil iyan sa iyo Jayda. We believe in you and ako mismo, personal akong naniniwala na kaya ka naming ihilera sa mga gaya nina Regine Velasquez, Sarah Geronimo at iba pang mga multi-media artist namin sa Viva,” pagbabahagi pa ni boss Vic.

Well, a few years ago nang maka-kumustahan namin ang magandang dilag nina Jessa at Dingdong, sobrang shy at matipid pa itong makipaghuntahan. This time, ibang-iba na siya bukod pa sa physically ay mas gumanda, sumeksi, magaling mag-perform on stage at nag-improve ang boses sa galing. Baka nga ito na ‘yung hinihintay niyang time to shine on her own at makawala sa anino ng parents niyang super active pa rin sa showbiz.

And yes, mas naging madaldal na siya ngayon at matsika sa maraming bagay.

Congrats Jayda and goodluck sa mga gagawin mo under Viva from your main goal na mag-reinvent sa music, to having your dream na makagawa ng mga romcom projects to endorsements and the like.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …