Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Philippines to Hong Kong HK, Plane Flight Path

PH Embassy sa HK nagbabala sa OFWs vs surrogacy  jobs

PINAALALAHANAN ng Philippine Consulate General sa Hong Kong ang mga kababayan nating overseas Filipino worker (OFWs)  lalo a ang mga Migrant Domestic Workers (MDW) ukol sa mga nag-aalok ng surrogacy jobs sa Georgia at ibang bansa.

Batay sa impormasyong nakuha ng ating  Konsulado mayroong sindikato na nagsasamantala sa mga terminated na domestic workers sa Hong Kong para magtrabaho bilang mga surrogate mothers sa Georgia.

Sa pahayag ng ating Konsulada, may ilang migrant domestic workers na rin ang nakokombinsing magpanggap bilang isang returning worker sa Hong Kong at matapos nito sila ay dadalhin patungong United Arab Emirates at Qatar hanggang makarating sa Georgia.

Tinukoy ng ating Konsulada na ilan sa kanila pagdating ng Georgia ay nagiging  biktima ng panggagahasa at sapilitang ipinalalaglag ang kanilang ipinagbubuntis. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …