Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yen Santos

Yen Santos halos hindi na makilala ang sarili nang madagdagan ang timbang

MA at PA
ni Rommel Placente

SA kanyang Instagram page ay ibinahagi ni Yen Santos kung gaano siya naapektuhan sa pagkakadagdag noon ng kanyang timbang.

“Last year, I gained so much weight that I barely recognized myself. It was the heaviest I’d ever been and honestly, I couldn’t even look at myself in the mirror,” panimula ni Yen.

Papatuloy pa niya, “I just didn’t like what I saw. Nothing fit anymore! and the frustration started to weigh heavier than the actual weight.”

Kuwento ni Yen, ginawa na raw niya ang lahat ng pagda-diet at workout ngunit walang nagiging progress ang kanyang mga ginagawa.

Kaya naman napagdesisyonan na ng aktres na kumonsulta sa espesyalista para makabalik sa dati niyang katawan.

“Grabe! first week pa lang, I lost 3 kgs agad! Since then, I’ve just been feeling better and better. From 72 kilos to 51 kgs in 2 months, and more importantly, I’ve found the confidence I lost along the way,” pagbabahagi ni Yen.

Sa kabila ng kanyang pagpapapayat ay hindi pa rin nagtatapos ang kanyang effort na magbalik sa dating pangangatawan.

It’s still a journey, but now I know I’m finally on the right path with the right people,” sey pa ni Yen.

Kasabay ng kanyang pagiging bukas sa pinagdaanang weight gain, nagbabalik na si Yen sa showbiz, matapos ang ilang taong nawala sa limelight.

Sa isang Instagram post, ibinandera niya ang isang behind-the-scene photo na tila sumalang siya sa isang taping.

Wala siyang idinetalye kung ito ay teleserye, pelikula o commercial, pero aminado siyang masaya siya kanyang pagbabalik.

Ang huling proyektong ginawa ni Yen ay ang 2021 film na, A Faraway Land kasama si Paolo Contis.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …