PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
GRABE rin ang mga naglabasang saloobin umano ni Willie Revillame hinggil sa pagkatalo nito sa eleksiyon.
Kung totoo man ang mga pahayag nitong nawalan na ng gana na tumulong sa mga mahihirap o nangangailangan dahil sa kanyang pagkatalo, matatawag nga siyang sumbatero.
Masasabi ring hindi naman pala bukal sa kanyang loob ang tumulong dahil naghihintay pala siya ng kapalit sa huli.
Naku, lalong nadagdagan ang mga pangit na salita at imahe ngayon ni Willie ng dahil lang sa nabigo itong maging isang lingkod bayan thru politics.
Nawalan na nga siya ng TV show, tapos nalotlot pa sa halalan. At may mga iba pang usapin na ewan kung paano niyang haharapin.
Kinakausap pa kaya ni Willie ang kanyang sarili? Bukod sa anger management issue, tila nga may something sa kanyang pagiging very self righteous, mapanunumbat, at mapaningil o mapaghanap?
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com