Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ellen Adarna Derek Ramsay Baby

Baby nina Derek at Ellen pinuri ng netizen, product endorsement tiyak na

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

FINALLY ay nag-post na nga si Ellen Adarna ng mga picture ng baby nila ni papa Derek Ramsay.

Very cute, napakaganda at kitang-kita naman talaga ang magandang lahi ng mag-asawa. Mapa-proud ka naman talagang i-share ito sa madlang pipol lalo na roon sa mga supporter nila.

Hindi rin nakakgugulat if ever mang makakuha ito ng baby product endorsements dahil nga sa kakyutan.

No wonder, puring-puri ito ng mga netizen. ‘Yun nga lang, mayroon ding mga basher na akala mo ay kay gaganda.

Nope, hindi ang baby nina papa D at Ellen ang pinag-usapan nila kundi ang baby nina Maja Salvador at Rambo Nunez.

Imagine, kahit si Ellen ang nag-post ng mga picture ng baby nila ni papa D, napunta kay Maja ang pangungutya ng netizen dahil lang sa choice nitong huwag mag-share ng baby photos ng anak nila.

Naku, nakagigigil din talaga. Kung pwede lang na kami na ang magsampa ng kaso sa mga basher na akala mo naman ay may malaking pagkakautang sa kanila si Maja, ginawa na namin hahaha.

Sobrang entitled, mga pakialamera, at feeling magaganda ang bashers. Manong maghintay na lang at unawain ang choice ni Maja kung ayaw nitong i-share sa public ang pics ng anak.

Nakakalokah!!!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …